Bagong kabanata sa kaugaliang pang-Konstitusyon ng Tsina sa makabagong panahon, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2022-12-20 15:17:02  CMG
Share with:

Sa kanyang pirmadong artikulong inilabas ngayong araw, Disyembre 20, 2022, bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng pagsasapubliko at pagsasakatuparan ng kasalukuyang Konstitusyon ng Tsina, binalik-tanaw ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang biyahe tungo sa pagsasakatuparan ng Konstitusyon ng Tsina nitong nakaraang 40 taon.

 

Nilagom niya ang mahalagang bisa’t karanasan sa konstruksyon ng Konstitusyonal na Sistema ng Tsina at pagsusuperbisa sa implementasyon ng Konstitusyon mula noong 2012.

 

Maliban diyan, tinukoy niya ang landas para sa pagsasakatuparan ng Konstitusyon ng Tsina sa makabagong panahon.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio