Mataas na opisyal ng Tsina, nagtalumpati sa Ika-2 Council Meeting ng Belt and Road News Network

2022-12-20 15:38:38  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, nagtalumpati Lunes, Disyembre 19, 2022 si Li Shulei, Puno ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa Ika-2 Council Meeting ng Belt and Road News Network sa Beijing.

 

Nanawagan si Li sa mga media na gawin ang mas malaking ambag sa pagpapalaganap ng diwa ng Silk Road, at gumawa ng mga bagong bunga sa paglalahad ng mga kuwentong may kinalaman sa Silk Road at pagpapalakas ng pagkakaibigang may-katangian ng Silk Road.

 

Sa kapuwa online at offline na paraan, dumalo rito ang mga kinatawan ng 38 miyembro ng konseho mula sa 23 bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio