Ministrong Panlabas ng Australya, dadalaw sa Tsina: estratehiko’t diplomatikong diyalogo, isasagawa

2022-12-20 13:39:53  CMG
Share with:

 

Inihayag, Disyembre 19, 2022 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng bansa, opisyal na dadalaw sa Tsina mula Disyembre 20 hanggang 21, 2022 si Penny Wong, Ministrong Panlabas ng Australya.

 

Ani Mao, ang Disyembre 21 ng kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Australya, at sa panahon ng pagdalaw ni Wong, kakatagpuin siya ni Wang Yi, at idaraos ang bagong round ng estratehiko’t diplomatikong diyalogo ng dalawang bansa.

 

Dagdag ni Mao, umaasa ang panig Tsino, na sa pamamagitan ng biyaheng ito, ibayo pang matutupad ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa Pulong ng G20, Bali, Indonesya.