Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa Ika-5 Arabic Arts Festival

2022-12-20 13:25:48  CMG
Share with:


 


Sa kanyang mensaheng pambati, Disyembre 19, 2022 sa Ika-5 Arabic Arts Festival, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na may napakahabang kasaysayan ang pagkakaibigan ng Tsina at mga bansang Arabe.

 

Mula sa umpisa ng sinaunang Silk Road hanggang sa magkakasamang pagtatayo ng “Belt and Road,” nagtutulungan aniya ang Tsina at mga bansang Arabe, at natamo ang kapansin-pansing bunga.

 

Sa pamamagitan ng kasalukuyang Arabic Arts Festival, inaasahan ni Xi, na maisasakatuparan ng kapuwa panig ang bunga ng unang China-Arab States Summit para mapasigla ang diwa ng Silk Road, mapalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan, mapalakas ang pagpapalitang pangkultura, at makapagbigay ng ambag sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at mga bansang Arabe sa makabagong siglo.

 

Sa magkakasamang pagtataguyod ng Ministri ng Kultura at Turismo at Ministring Panlabas ng Tsina, pamahalaang panlalawigan ng Jiangxi, at Sekretaryat ng Arab League, binuksan nang araw ring iyon sa lunsod Jingdezhen, probinsyang Jiangxi ng Tsina ang Ika-5 Arabic Arts Festival.