Kagamitang pambahay, ibinigay ng Tsina sa Kyaukphyu Nursing Home ng Myanmar

2022-12-20 12:49:15  CMG
Share with:

People attend a ceremony for China's donation of household items to Kyaukphyu Nursing Home in Kyaukphyu, western Myanmar's Rakhine state, Dec. 19, 2022. (Photo by Myo Kyaw Soe/Xinhua)

 

 

Ibinigay Disyembre 19, 2022, ng Embahadang Tsino sa Myanmar ang mga kagamitang pambahay sa Kyaukphyu Nursing Home, sa bayan ng Kyaukphyu, Rakhine State, Myanmar.

 

Kabilang sa mga kagamitan ay mga single steel bed, maliliit na aparador, isang repridyereytor, mga lutuan ng kanin, mga lalagyan ng tubig, at isang wheelchair.

 

Pinasalamatan naman ni U Nyein Chan Maung, Tagapangulo ng Komite ng Pangangasiwa ng Kyaukphyu Nursing Home, ang donasyon ng embahadang Tsino.

 

Aniya, ang Tsina ay mabuting kaibigan na tumutulong sa Myanmar sa oras ng kagipitan.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio