Tatlong inaasahan sa pagresolba sa isyu ng Myanmar, iniharap ng panig Tsino

2022-07-04 15:06:20  CMG
Share with:

Hulyo 3, 2022, Bagan, Myanmar—Sa pagtatagpo nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Prak Sokhonn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya, ikinuwento ng ministrong Kambodyano ang tungkol sa kanyang huling pagdalaw sa Myanmar bilang Espesyal na Sugo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa isyu ng Myanmar.

 

Humanga naman si Wang sa ginawang medyasyon ng Kambodya sa isyung ito, sapul nang manungkulan ito bilang tagapangulong bansa ng ASEAN.

 


Inilahad din niya ang tatlong naisin ng panig Tsino sa naturang isyu:

 

Una, ang magkakasamang pagpapasulong ng Tsina at ASEAN sa tuluy-tuloy na rekonsilyasyong pultikal sa Myanmar, sa ilalim ng balangkas ng konstitusyon at batas, para mapanumbalik sa lalong madaling panahon ang katatagan at kapayapaan.

 


Ika-2, magkakasamang pagpapasulong ng Tsina at ASEAN sa muling pagsisimula ng proseso ng demokratikong transisyon sa Myanmar, at paghahanap ng landas ng kaunlarang pulitikal na angkop sa sariling kalagayan at katangian ng bansa.

 

At ika-3, paggigiit ng ASEAN sa “pamamaraan ng ASEAN,” pagtalima sa pundamental na simulain at tradisyon ng di-pakikialam sa mga suliraning panloob at pagkakaisa ng palagay sa pamamagitan ng koordinasyon, at pangangalaga sa kabuuang pagkakaisa at namumunong papel ng ASEAN.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio