Annual central rural work conference, idinaos

2022-12-25 16:19:22  CMG
Share with:

Mula noong Disyembre 23 hanggang 24, 2022, idinaos sa Beijing ang annual central rural work conference upang isaayos ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng lakas ng bansa sa agrikultura, pagpapasulong ng modernisasyon sa kanayunan, at komprehensibong pagpapasulong ng pagg-ahon ng kanayunan.

 

Ipinahayag sa pulong ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang malakas na agrikultura ay pundasyon ng modernong bansang sosyalista.

 


Ang pagbibigay ng kasiyahan sa pangangailangan ng mga mamamayan, pagsasakatuparan ng de-kalidad na pag-unlad, at pagpapatibay ng seguridad ng bansa, ay hindi maihihiwalay sa agrikultura, aniya.

 

Diin ni Xi, palagiang nananatiling pinakamahalagang gawain ng pagtatayo ng malakas na bansa sa agrikultura ang paggarantiya sa kaligtasan ng pagkaing-butil at matatag na pagsuplay ng mahahalagang produktong agrikultural.

 

Tinukoy pa ni Xi na ang komprehensibong pagpapasulong ng pag-ahon ng kanayunan ay pangunahing tungukulin ng pagtatayo ng malakas na bansa sa agrikultura sa makabagong panahon. Dapat ilipat sa pag-ahon ng kanayunan ang mga lakas-manggagawa, materiyal, at pondo, aniya pa.