Madalas na naglalakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga bukirin.
Sa kasalukuyang taon, maraming beses na nagpunta si Pangulong Xi sa bukirin upang alamin ang kalagayan ng anihan at pamumuhay ng mga magsasaka.
Lubos niyang pinahahalagahan ang anihan ng pagkaing-butil, pag-unlad ng agrikultura, at kita ng mga magsasaka.
Sa kanyang paglalakbay-suri, ipinagdiinan ni Pangulong Xi na ang pagpapasulong ng modernisasyon ng agrikultura ay hindi lamang depende sa mga ekspertong agrikultural, kundi maging sa malawak na masa ng mga magsasaka.
Dapat aniyang palakasin ang pagpapalaganap at paggamit ng modernong teknolohiyang agrikultural at pagsasanay ng mga magsasaka para aktibong paunlarin ang berde, ekolohikal, at mabisang agrikultura.
Bukod sa anihan ng pagkaing-butil, pinahahalagahan din ni Xi ang pamumuhay ng mga magsasaka.
Ipinagdiinan niya na dapat pasulungin ang magkasamang kaunlaran ng kultura at turismo upang maitayo ang industriyang nagpapayaman sa mga magsasaka.