Hapon, hinimok ng Tsina na magtimpi sa larangang militar at panseguridad

2022-12-28 16:14:19  CMG
Share with:

Pinagtibay, Disyembre 23, 2022, ng pamahalaang Hapones ang mahigit 6.8 trilyong yen (mga USD$51.2 bilyon) na badyet pandepensa para sa pinansyal na taong 2023.


Ito’y lumaki ng 26.3% kumpara sa kasalukuyang badyet na 5.4 trilyong yen (mga USD$40.6 bilyon). 


Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 27, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kailangang seryosong pagnilay-nilayan ng Hapon ang mapanalakay nitong kasaysayan, pigilan ang sarili, at maghulus-dili sa mga aktibidad pang-militar at panseguridad upang hindi mapagtaksilan ang tiwala ng mga kapit-bansang Asyano at internasyonal na komunidad. 



Nababahala ang Tsina sa malaking pagtaas ng badyet pandepensa ng Hapon, dagdag ni Wang.


Aniya, pinapalala ng Hapon ang tensyon sa rehiyon para magkaroon ng dahilan sa pagpapalakas ng sariling puwersang militar.


Ang aksyong ito ay mapanganib, at nagbubunsod upang magtanong ang mga kapitbansa at komunidad ng daigdig kung sinsero nga ba ang Hapon na tumalima sa pangako ng paggigiit ng eksklusibong depensa at pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, saad pa niya.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio