MOFA: Pagdaragdag ng badyet pandepensa ng Hapon, hindi mabuti sa kapayapaang panrehiyon

2022-12-07 15:13:06  CMG
Share with:


Kaugnay ng malaking karagdagan sa badyet pandepensa ng Hapon mula 2023 hanggang 2027, ipinahayag, Disyembre 6, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito’y manganganib.

 

Nitong ilang taong nakalipas, inudyukan aniya ng Hapon ang tensyon sa Asya para isulong ang pagpapalakas ng sariling kakayahang militar.

 

Kaugnay nito, patuloy ang paglaki ng badyet pandepensa ng bansa nitong nagdaang 10 taong singkad, dagdag ni Mao.

 

Ang Hapon ay may polisiya sa eksklusibong depensa at sumusunod sa prinsipyo ng mapayapang pag-unlad, pero ang naturang mga aksyon ay nagdulot aniya ng matinding pagdududa mula sa mga bansang Asyano at komunidad ng daigdig.

 

Hinimok ni Mao ang Hapon na mataimtim na pagsisihan ang kasaysayan ng pananalakay sa ibang mga bansa at igalang ang pagkabahala ng mga bansang Asyano sa usapin ng seguridad upang magdulot ng katatagan at kapayapaan sa rehiyon.