Inilabas ngayong araw, Disyembre 30, 2022 ng China Media Group (CMG) ang sampung pinakamahalagang balitang pandaigdig sa 2022.
Ang naturang 10 balita ay mga sumusunod:
Una, buong higpit na sinubaybayan ng komunidad ng daigdig ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at binigyan ng mataas na pagtasa ang katalinuhang dulot ng modernisasyong Tsino sa usapin ng pag-unlad ng sangkatauhan.
Ikalawa, ang diplomasya ng Pangulong Tsino ay nagpakita ng namumunong papel ng malaking bansa; ang Asya ay nasa mahalagang katayuan sa usapin ng pangangasiwang pandaigdig.
Ikatlo, sumiklab ang sagupaan ng Rusya at Ukraine, dahil sa labis na pagpigil ng Amerika at mga bansang Europeo sa Rusya; napakalaking pagbabago, naganap sa heopulitika at kayarian ng kabuhayan.
Ikaapat, kumalat pa ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at sumiklab ang epidemiya ng Monkeypox sa mga bansa.
Ikalima, ang radikal na pagpapataas ng Federal Reserve ng Amerika ng benchmark interest rate ay nakakaapekto sa pandaigdigang sistemang pinansiyal, at ang hegemonya ng dollar ay nakakapinsala sa kayamanan ng maraming bansa.
Ikaanim, ligalig ang kalagayang pulitikal ng Britanya at naihalal ang dalawang Punong Ministro sa loob ng isang taon.
Ikapito, Kunming-Montreal Global Biodiversity Framework, pinagtibay; mga kahilingan ng mga ummunlad na bansa, suportado ng Ika-27 Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP27).
Ikawalo, 2022 Winter Olympic at Paralympic Games, matagumpay na idinaos sa Beijing at ang Beijing ay naging unang lunsod sa daigdig na nagpatangkilik ng kapwa Summer at Winter Olympics.
Ikasiyam, pormal na pinairal ang kasunduan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) para pabilisin ang integrasyon ng kabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Ikasampu, ang pandaigdigang populasyon ay umabot sa 8 bilyon; komong pag-unlad ng sangkatauhan, inaasahan