Ipinahayag Disyembre 29, 2022, ni Liang Wannian, Puno ng panel ng mga dalubhasa tugon sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina (NHC), na tuluy-tuloy na ini-momonitor ng Tsina ang mutations ng coronavirus.
Aniya, sa sandaling matuklasan ang anumang mutations o pagbabago ng virus sa kakayahan sa pagdulot ng sakit o pagkahawa, iuulat ng Tsina ang situwasyon sa World Health Organization (WHO).
Pabubutihin at isasaayos ng Tsina ang plano ng paggagamot at pag-iwas kung magaganap ang pagbabago, dagdag ni Liang.
Samantala, sinabi naman ni Wu Zunyou, Punong epidemiologista ng Chinese Center for Disease Control and Prevention (CDC) na ini-upload ng sentrong ito ang gene sequence ng novel coronavirus sa WHO sapul nang simulan ang epidemiya, kaya maaaring paunlarin ng ibang bansa ang diagnostic reagents at bakuna batay sa data.
Kaugnay ng kung sobrang mabilis na pagluluwag ng Tsina ng pagkontrol sa epidemiya, sinabi ni Liang na ang pagsasaayos ay isinagawa batay sa pag-unawa sa mga pathogens, lebel ng immune ng populasyon, kakayahan sa pagtugon ng sistemang pangkalusugan, mga hakbang sa interbensyon sa kalusugang pampubliko at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Frank