Pagpapabuti ng Tsina sa mga polisiya laban sa COVID-19, siyentipiko, napapanahon at kinakailangan – MOFA

2022-12-29 15:42:36  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagdungis kamakailan ng iilang kanluraning media sa pagsasaayos ng Tsina ng mga hakbangin kontra pandemiya, sinabi Miyerkules, Disyembre 28, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sinadyang pinapalaki, maging pinipilipit ng iilang kanluraning media ang pagsasaayos ng Tsina sa mga polisiya kontra pandemiya, pero hindi nila binabanggit ang mabigat na kabayaran ng sariling bansa dulot ng iba’t ibang kaguluhan sa proseso ng paglaban sa pandemiya.

 

Ang ganitong double standard ay malubhang lumalabag sa propesyonal na moralidad sa pagbabalita.

 

Saad ni Wang, nitong nakalipas na tatlong taon sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), laging iginigiit ng pamahalaang Tsino ang pagpapauna ng mga mamamayan at buhay, at puspusang pinangangalagaan ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng bawat mamamayan.

 

Pinakamababa sa buong mundo ang proporsyon ng mga kasong nasa kritikal na kondisyon at kaso ng pagkamatay ng Tsina, dagdag niya.

 

Tinukoy ni Wang na sa kasalukuyan, kusang-loob na pinabuti ng panig Tsino ang mga hakbangin laban sa pandemiya, at siyentipiko, napapanahon at kinakailangan ang ganitong pagsasaayos.

 

Aniya, layon nitong igarantiya sa pinakamalaking digri ang seguridad ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan, at mabawasan sa pinakamalaking digri ang epekto ng pandemiya sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Lito