Bagong ginituang panahon ng relasyon at kooperasyon Sino-Pilipino, inaasahan

2022-12-31 20:36:52  CMG
Share with:

Kaugnay ng nakatakdang dalaw-pang-estado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Tsina, sinabi kahapon, Disyembre 30, 2022, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na si Pangulong Marcos Jr. ay magiging unang dayuhang lider na dadalaw sa Tsina sa bagong taon, at ang pagdalaw na ito ay kanyang unang pagbisita sa Tsina bilang pangulo.

 

Ani Wang, ito’y nagpapakita ng pagpapahalaga ng kapuwa panig sa kanilang relasyon.

 

Sa pamamagitan ng nasabing pagdalaw, umaasa si Wang, na magpapatuloy ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas; lalalim ang pagtitiwalaan; susulong ang kooperasyon sa apat na pangunahing aspektong gaya ng agrikultura, imprastruktura, enerhiya, at pagpapalitan ng mga tao; mabubuo ang relasyong Sino-Pilipino bilang matalik na magkapitbansa, magkamag-anak, at magkatuwang; at magsisimula ang bagong ginituang panahon ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan