“Walang duda, karapat-dapat salubungin ng mga mamamayang Tsino ang bagong taon na taglay ang masayang kalooban.” Ito ang winika ni Bazanov, Puno ng Instituto ng Pananaliksik sa Pandaigdigang Isyu ng Unibersidad ng Suliraning Panlabas ng Rusya.
Tinukoy naman ni Robert Kuhn, Presidente ng Kuhn Foundation ng Amerika, na sa mensaheng pambagong-taon ni Pangulong Xi Jinping, binanggit niya ang kanyang pagbisita sa maraming karaniwang pamilyang Tsino upang pakinggan ang kanilang mga pangangailangan.
Ito aniya ay nag-iwan ng napakalalim na impresyon sa kanya.
Ayon sa kombensyon, tuwing bisperas ng bagong taon, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe para ipaabot ang pangungumusta sa loob at labas ng bansa.
Sa mensaheng pambagong-taon sa 2022, binalik-tanaw ni Xi ang maraming di makakalimutang tinig, sandali, at istoryang Tsino noong isang taon.
Binigyan din niya ng lubos na papuri ang di mabilang na ordinaryong bayani ng bansa.
Bilang isang malaking umuunlad na bansang may mahigit 1.4 bilyong populasyon, ang pagpapabuti ng Tsina sa mga sariling suliranin ay napakalaking ambag para sa buong daigdig.
Noong isang taon, maringal na ipinagdiwang ng Tsina ang ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), binalangkas sa ika-6 na sesyong plenaryo ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC ang ika-3 nitong resolusyong historikal, komprehensibong naitayo ng Tsina ang may kaginhawang lipunan sa nakatakdang panahon, at naisakatuparan ang unang hangarin sa isandaang taon.
Ang mga ito ay hindi lamang nakakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayang Tsino, kundi nakakapagbigay ng positibong lakas para sa buong daigdig.
Ang paglikha ng bagong kasaysayan ay ang pinakamabuting paggunita sa kasaysayan.
Pagkatapos ng isang buwan, gaganapin ang Beijing Winter Olympics.
Kaugnay nito, ipinaabot ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), sa kanyang mensaheng pambagong-taon ang pag-asang magtatagumpay ang Beijing Winter Olympics.
Bukod pa riyan, sa kasalukuyang taon, itataguyod ng Tsina ang BRICS Summit at aktibo itong lalahok sa iba pang mga pandaigdigang summit at aktibidad.
Patuloy na igigiit ng Tsina ang tunay na multilateralismo; buong tatag na pangangalagaan ang sistemang pandaigdig na naka-nukleo sa United Nations (UN) at kaayusang pandaigdig na nakabase sa pandaigdigang batas; at ibibigay ang kalutsang Tsino para maresolba ang mga isyung pandaigdig.
Ayon sa Kalendaryong Tsino, ang taong 2022 ay Taon ng Tigre. Bagama’t hindi pa mapayapa at matahimik ang daigdig, may kompiyansa ang Tsina na mapapabuti ang mga sariling suliranin upang makalikha ng pagkakataon para sa kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.
Sa taong 2022, handa nang magsikap ang isang malakas at umuusbong na Tsina, kasama ng buong daigdig para magkakasamang harapin ang kinabukasan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio