Xi Jinping, nanawagan para sa mas malaking pagsisikap sa 2022

2022-01-01 16:18:22  CMG
Share with:

Xi Jinping, nanawagan para sa mas malaking pagsisikap sa 2022_fororder_微信图片_20220101161712

 

Dumalo kahapon, Disyembre 31, 2021, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa resepsyong pambagong taon na idinaos ng Pambansang Komite ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC).

 

Sinabi ni Xi, na sa taong 2022, idaraos ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at ito ay mahalagang pangyayaring pulitikal ng partido at bansa.

 

Nanawagan siya para sa mas malaking pagsisikap sa bagong taon, upang panatilihin ang matatag at malusog na kabuhayan, malinis na kapaligirang pulitikal, at masaganang lipunan at bansa.

 

Pinasalamatan din ni Xi ang CPPCC sa pagbibigay-ambag sa mga suliranin ng partido at buong bansa sa 2021.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method