Iran: Dapat itigil ng mga bansang kanluranin ang paghingi ng “pinakamataas na presyo” sa talastasang nuklear

2022-01-04 16:54:51  CMG
Share with:

Ipinahayag Enero 3, 2022, ni Saeed Khatibzadeh, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na alam na ng Amerika, Pransya, Britanya at Alemanya na dapat nilang isagawa ang mas realistikong pakikitungo para sa talastasan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) at itigil ang paghingi ng “pinakamataas na presyo.”

 

Sinabi ni Khatibzadeh na maliwanag ang mekanismo ng pagpapasulong ng iba’t ibang kinauukulang panig ng talastasan sa Vienna, Austria. Mayroong bilateral at multilateral na pag-uusap. Aniya, ang Iran at Amerika ay di direktang nagpapalitan ng pananaw at isinasagawa ito sa pamamagitan ng kasulatan upang maiwasan ang mga di pagkakaunawaan.

Iran: Dapat itigil ng mga bansang kanluranin ang paghingi ng “pinakamataas na presyo” sa talastasang nuklear_fororder_01iran

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method