Talastasang nuklear ng Iran, tumatahak sa mabuting direksyon

2021-12-29 17:05:46  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon ni Hossein Amir-Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran na layon ng idinaraos na talastasan na pasiglahin ang kasunduang nuklear ng Iran at malalaking bansa.
 

Ang usapan aniya ay tumatahak sa mabuting direksyon.
 

Sinabi niyang sa bagong round ng talastasan, itatampok ng kanilang grupo ang magkasanib na dokumento, at tatatalakayin din ng mga kalahok na bansa ang pagkakaiba sa balangkas ng dokumento. 
 

Kung kusang-loob na gagawin ng mga may kinalamang panig ang mapagkaibigang determinasyon at mithiin, posibleng mararating ang kasunduan sa malapit na hinaharap, dagdag niya.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Rhio

Please select the login method