Tsina at mga bansa ng Gitnang Asya, nagsilbing modelo ng pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig

2022-01-05 15:38:29  CMG
Share with:

Sa pagsisimula ng Enero, ipinagdiriwang ng Tsina, kasama ng 5 bansa sa Gitnang Asya ang ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng bilateral na relasyong diplomatiko. Ito ay isang mahalagang marka sa kasaysayan ng relasyon ng Tsina sa mga bansa ng Gitnang Asya.
 

Kaugnay nito, inihayag nitong Martes, Enero 4, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang kaparis na bunga at tagumpay na may historikal na katuturan ang natupad ng kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Asya sa iba’t ibang larangan, at nagsilbi itong modelo ng pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig.
 

Gumawa rin aniya ito ng ambag para sa pagpapasulong sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Nakahanda ang panig Tsino, kasama ng mga bansa ng Gitnang Asya, na patuloy na palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, palawakin ang komprehensibong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pasulungin ang ibayo pang pag-a-upgrade ng relasyon sa kanila, dagdag ni Wang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method