Opisyal na nagkabisa Enero 1, 2022, ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa 10 bansa, na nangangahulugang nagsimula na ang malayang zonang pangkalakalan na may pinakamalaking populasyon, saklaw ng kabuhayan at kalakalan, at potensiyal ng pag-unlad sa buong daigdig.
Kaungay nito, ipinahayag Enero 4, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang opisyal na pagkabisa ng RCEP ay malaking tagumpay ng multilateralismo at malayang kalakalan.
Sinabi ni Wang na palagiang nananangan ang Tsina sa bukas na rehiyonalismo, aktuwal na pangangalaga sa sistema ng multilateral na kalakalan, pagpapasulong ng proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon.
Sa susunod na yugto, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang panig, na pagbutihin pa ang mekanismo ng RCEP, para magbigay ng ambag sa pagkakaroon ng kasaganaan ng rehiyong ito at pagbangon ng kabuhayan ng buong daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Mac