RCEP, opisyal na nagkabisa

2022-01-01 16:21:57  CMG
Share with:

RCEP, opisyal na nagkabisa_fororder_微信图片_20220101161719

 

Bilang pinakamalaking kasunduan sa malayang kalakalan sa buong daigdig, opisyal na nagkabisa ngayong araw, Enero 1, 2022, ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

Sa unang hakbang, ipatutupad ang RCEP ng 10 signataryong bansa, na kinabibilangan ng 6 na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na Brunei, Cambodia, Laos, Singapore, Thailand at Vietnam, kasama ng Tsina, Hapon, New Zealand at Australia.

 

Pagkatapos, magkakabisa ito sa Timog Korea sa darating na Pebrero 1.

 

Samantala, dumating kaninang madaling araw sa Huanggang Port ng Shenzhen, lunsod sa timog Tsina, ang unang pangkat ng mga panindang inangkat ng Tsina sa ilalim ng RCEP.

 

Ang mga ito ay 5.6 na tolenadang reflecting film galing sa Hapon, at gagamitin ang mga ito para sa paggawa ng mobile phone, digital camera, at iba pa.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method