Mensaheng pambati, ipinaabot ng pangulo ng Tsina at Kyrgyzstan sa isa’t isa

2022-01-05 16:03:25  CMG
Share with:

Ipinaabot ngayong araw, Enero 5, 2022, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sadyr Japarov ng Kyrgyzstan ang mensaheng pambati sa isa’t isa bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kyrgyzstan.

Mensaheng pambati, ipinaabot ng pangulo ng Tsina at Kyrgyzstan sa isa’t isa_fororder_02xi

Tinukoy ni Xi na nitong 30 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Kyrgyzstan, ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa ay umabot na sa bagong lebel, na nakikinabang dito ang mga mamamayan ng dalawang bansa, at nagbigay ng ambag para sa kapayapaan at katatagan ng Gitnang Asya.

 

Binigyan-diin ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Sadyr Japarov, para palalimin ang magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road Initiative (BRI),” at pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa .

 

Pinasalamatan ni Japarov ang pag-aalala ni Pangulong Xi sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Sinabi niya na nakahandang magsikap, kasama ng Tsina, ang kanyang bansa para buong lakas na patibayin at palawakin ang bilateral na kooperasyon ng dalawang panig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method