Kooperasyon ng Tsina at Kyrgyzstan, ibayo pang palalakasin

2021-05-12 10:34:17  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap nitong Martes, Mayo 11, 2021 kay Ministrong Panlabas Ruslan Kazakbayev ng Kyrgyzstan, na kalahok sa pagtatagpo ng mga minstrong panlabas ng Tsina at limang bansang Gitnang Asyano sa Xi’an, probinsyang Shaanxi ng Tsina, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na bilang mabuting kapitbansa, kaibigan at katuwang, nakahanda ang panig Tsino na magkaloob ng suporta at tulong hangga’t makakaya, sa Kyrgyzstan para sa pagsasakatuparan nito ng katatagan at kaunlaran.

Ani Wang, nakahanda ang panig Tsino na ibayo pang palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Kyrgyzstan sa mga larangang gaya ng bakuna kontra sa COVID-19, pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, kalusugan, at tradisyonal na medisina para mapabilis ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng Tsina at Kyrgyzstan.

Ipinahayag naman ni Ruslan Kazakbayev ang buong tatag na suporta ng Kyrgyzstan sa Tsina sa mga isyung gaya ng Xinjiang, Hong Kong, at Taiwan.

Buong tindi aniyang tinututulan ng Kyrgyzstan ang panghihimasok ng dayuhang puwersa sa mga suliraning panloob ng Tsina sa anumang porma.

Pinasalamatan din niya ang ibinibigay na pagkatig ng Tsina sa Kyrgyzstan sa pakikibaka laban sa pandemiya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method