Spanish media: Laging pangmamaliit ng mga bansang kanluranin sa Tsina, mali

2022-01-06 16:16:29  CMG
Share with:

Noong Enero 1, 2022, inilabas sa website ng pahayagang “Rebelion” ng Espanya ang artikulo ni Ramzy Baroud, iskolar ng Orfalea Center for Global and International Studies.
 

Sinabi ni Baroud, na ang Tsina ay pinakamahalagang tagapagsali ng pulitika sa daigdig, at mali ang kilos ng mga bansang kanluranin na laging pangmamaliit sa bansa.
 

Anang artikulo, batay sa komong palagay ng mga bansang kanluranin, ang Tsina o anumang bansang may lakas-loob na umaksyon sa labas ng adiyendang kanilang itinakda ay itinuturing na banta o nakatagong banta.
 

Sa katunayan, walang humpay na tumataas ang kayamanang ekonomiko ng Tsina pagkaraan nitong isagawa ang reporma at pagbubukas.
 

At dahil sa paglago ng kabuhayang Tsino, sumulong ang pag-unlad ng kabuhayan ng Asya, maging ng buong mundo, at higit sa lahat, napahupa nito ang malaking resesyong dulot ng pagbagsak ng pamilihang Europeo’t Amerikano noong 2008, dagdag ng artikulo.
 

Sa pananaw ni Baroud, ang pangmamaliit sa Tsina at paghanga sa Amerika ay hindi lamang may esensya ng rasismo, kundi ganap na mali.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method