Vlog ni Kulas: Pangingisda sa Taglamig sa Lawang Chagan

2022-01-07 17:12:27  CMG
Share with:

 

 

 

Ang Lawa ng Chagan ay nag-iisang lugar sa daigdig kung saan  ipinagpapatuloy ang tradisyon ng Mongolian winter fishing na may daan-daang taong kasaysayan.

 

Nakakayanan ng mga katutubong mangingisda ang winter fishing sa temperatura na mas mababa pa sa minus 30 degrees celsius at hindi sila gumagamit ng anumang modernong teknolohiya.

 

Ngayong taon, mayroong apat na head fisherman o 渔把头(yú bǎ tou) na namumuno ng apat na grupo sa winter fishing. Gumigising sila bandang alas singko at nagpupunta sa nagyelong lawa. Inaalam nila ang lokasyon ng kawan ng mga isda batay sa hangin at ibang mga salik.

 

Tapos binabarena ng mga mangingisda ang mga 300 butas sa yelo upang ilagay ang napakalaking lambat na ilang metro kuwadrado sa ibaba ng yelo. Inilulusot din nila ang mga tikin o pole sa mga butas upang isaayos ang dambuhalang lambat sa tamang lugar.

 

Pagkaraan ng ilang oras, ginagamit nila ang lakas ng mga kabayo, para unti-unting hilahin ang buong lambat.

 

Ayon sa mga mangingisda, ang ani sa isang araw ay puwedeng umabot sa dalawang daang libong kilo.

 

Ang mga isda ay mabilis na nagyeyelo sa napakalamig na kapaligiran.

Tapos inililipat ang mga ito patungo sa 冰院子(bīnɡ yuàn zi), isang malaking bakuran na nagyelo na ang tubig na ibinuhos ng mga tao sa lupa. Ang bakurang ito ay naging isang natural na malaking refrigerator.

 

Tapos, sa pamamagitan ng e-commerce at ibang mga paraan, ang mga sariwang isda ay ipinadadala sa hapag-kainan ng mga mamimili ng buong bansa sa loob ng 48 oras.

 

Ang taunang aktibidad na winter fishing sa Lawa ng Chagan ay nagpapaunlad ng lokal na turismo at ekonomiya. Kahit malaking pakinabang ang idinudulot nito, ipinakikita nito ang pagpapahalaga ng mga katutubo sa sustenableng kaunlaran.

 

Ginagamit nila ang lambat na may malaking butas upang mahuli lamang ang mga isda na limang taong gulang o mas matanda at matira ang mga batang isda. Sa wikang Tsino, inilalarawan nila itong “猎而不竭 (liè ér bù jié)”, ibig sabihin na “mangisda pero hindi ubusin”. Sinusunod ng hene-henerasyong katutubong mangingisda ang patakarang ito, kaya ang pestibal ng winter fishing sa Lawa ng Chagan ay maaaring matagumpay na idaos taon-taon.

 

Sa kasalukuyan, ang pangingisda sa taglamig sa Lawa ng Chagan ay tunay na isang mahalagang aktibidad at magandang tanawin sa hilagang silangang Tsina.

 

Video: Kulas Wang

Patnugot sa teksto: Mac/Jade

Patnugot sa website: Jade 

Espesyal na pasasalamat kina Yong Jun at Cai Yifei

Please select the login method