Taglagas sa Shenyang: pamamasyal at anihan

2021-11-16 17:31:45  CMG
Share with:

 

Sa Pilipinas, dalawa lang ang panahon, tag-ulan at tag-init.

 

Ibang-iba naman ang mga panahon sa Shenyang, punong lunsod ng lalawigang Liaoning, sa hilagang-silangang Tsina. May apat na panahon— tagsibol, tag-init, taglagas at taglamig.

 

Ang taglagas ay paboritong panahon ng maraming Tsino, kasi hindi gaanong kainit, hindi rin gaanong kalamig. 

 

Sa wikang Tsino, inilalarawan itong 秋(qiū)高(ɡāo)气(qì)爽(shuǎnɡ), na nangangahulugan na malinaw ang langit at sariwa ang hangin sa taglagas.

 

Ano ba ang mayroon sa taglagas? Samahan ninyo si Kulas sa kanyang autumn outing.

 

Sa taglagas, isang makapagbigay-lugod na bagay ay pagmamaneho sa daan sa pagitan ng mga bundok. Dahil ang tanawing binubuo ng mga halaman sa bundok ay napakaganda. Ang pinaghalu-halong kulay ng berde, dilaw at pula ay masarap sa paningin. Kay ginhawa ng ganitong biyahe!

 

Sa tabi ng daan, nakikita natin ang isang pintor. Nagpipinta siya ng tanawin ng makulay na bundok, dumadaloy na ilog at mga namamasyal na mga tao. Gamit ang kaniyang brotsa, napapanatili niya ang kaligayahan ng taglagas sa kaniyang larawan.

 

Isa sa mga pinakamagandang halaman sa taglagas ay pulang dahon ng palumpong. Pumasyal sa kagubatan ng palumpong ang mga turista na kinakabilangan ng mga lalaki at babae, mga matanda at bata. Nag-se-selfie sila kasama ang mga pulang dahon, kinukunan ang litratong solo at sama-sama.

 

Upang maramdaman nang mas malapit ang kagandahan ng kalikasan, umakyat kami sa bundok. Kahit biglang lumamig ang panahon at malakas ang hangin ngayong taglagas, hindi naapektuhan nito ang interes ng mga tao. Lumapit kami sa bundok at tubigan, para kalugdan ang ganitong biyaya ng kalikasan.

 

Ang mga bata ay nangunguha ng mga lagas na dahon, tapos itinatapon ito sa hangin. Ito ay kanilang inter-askyon sa kalikasan. Sumali rin kami ng aking mga magulang sa ganitong nakakatuwang aktibidad. Nakunan ng mabait na turista ang maligayang saglit ng aking pamilya gamit ang aking kemera. Sobrang saya namin!

 

Ang taglagas ay hindi lamang panahon ng magandang tanawin, kundi rin panahon ng anihan. Abalang-abala ang mga magsasaka sa taniman upang ipunin ang mga inaning mais at gapasin ang mga tangkay. Nag-iimbak sila ng mga produktong pang-agrikultura upang ibenta at gamitin. Para sa kanila, ang taglagas ay masayang panahon dahil sa anihan.

 

Video/Artikulo: Kulas

Panugot sa nilalaman: Mac/Jade

Panugot sa website: Jade/Sarah

Please select the login method