RCEP pinapasulong ang kalakalan ng Tsina at ASEAN

2022-01-07 17:00:05  CMG
Share with:

Opisyal na nagkabisa nitong Enero 1, 2022, ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), na nangangahulugang nagsimula na ang malayang sonang pangkalakalan na may pinakamalaking populasyon, saklaw ng kabuhayan at kalakalan, at pontensiyal ng pag-unlad sa buong daigdig.

 

Sa ngayon, ipinatutupad ang RCEP sa anim bansa ng ASEAN, na kinabibilangan ng Brunei, Kambodya, Laos, Singapore, Thailand at Biyetnam. Kasama rin ang Tsina, Hapon, New Zealand, at Australia.

RCEP pinapasulong ang kalakalan ng Tsina at ASEAN_fororder_0402rcep

Isang linggo pagkaraang magkabisa ang RCEP, 275 na certificate of origin ang nilagdaan ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT) para sa 135 kompanyang Tsino. Nagkakahalaga ng mahigit 19 na milyong dolyares ang iluluwas na mga produkto nila, na kinabibilangan ng mga produktong panghabi, kemikal, medikal, at pagkain. Sa pamamagitan ng naturang patakarang preperensiyal ng RCEP, 220 libong dolyares na taripa ang inaasahang babawasan para sa mga kompanyang ito.

 

Ipinahayag naman ni Xu Ningning, Executive Director ng China-ASEAN Business Council, na ang RCEP ay napakahalagang hakbangin na mas bukas kumpara sa WTO. Dahil sa pamamagitan ng RCEP, hindi lamang naging bukas ang pamilihan ng serbisyo at kalakalan, kundi nagbukas rin ang mahigit 100 departamento ng serbisyo at kalakalan na kinabibilangan ng pinansyo, telekomunikasyon, logistic, digital na ekonomy at iba pa.

RCEP pinapasulong ang kalakalan ng Tsina at ASEAN_fororder_0403rcep

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method