Ipinadala kahapon, Enero 7, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang berbal na mensahe kay Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan, kaugnay ng malaking kaguluhan sa bansang ito.
Sinabi ni Xi, na sa harap ng kritikal na kalagayan, isinagawa ni Tokayev ang mga disidido at malakas na hakbangin, para pahupain ang kaguluhan. Ito aniya ay nagpapakita ng tungkulin at obligasyon ni Tokayev bilang estadista o statesman, at kanyang responsableng pakikitungo sa bansa at mga mamamayan.
Binigyang-diin ni Xi, na buong tinding tinututulan ng Tsina ang pagbabanta ng anumang puwersa sa katatagan at katiwasayan ng Kazakhstan, pagkasira sa tahimik na pamumuhay ng mga mamamayan nito, paglikha ng kaguluhan at "color revolution" sa bansa, at paghadlang sa pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at Kazakhstan.
Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina na suportahan ang Kazakhstan at tulungan ang bansa na pagtagumpayan ang mga kahirapan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos