Sa pakikipag-usap sa telepono, kahapon, Hunyo 2, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan, sinabi niyang, ang Tsina at Kazakhstan ay pangmatagalang komprehensibo at estratehikong partner, at ang kooperasyon ng dalawang bansa sa loob ng Belt and Road Initiative ay naging modelo para sa komunidad ng daigdig.
Umaasa rin siyang, habang pinapalakas ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga tradisyonal na aspektong gaya ng kapasidad sa produksyon, kalakalan, agrikultura, at imprastruktura, isasagawa rin nila ang kooperasyon sa mga bagong aspektong kinabibilangan ng berdeng enerhiya, artificial intelligence, E-commerce, at digital finance.
Binati naman ni Tokayev ang ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Aniya, hinahangaan at kinakatigan ng komunidad ng daigdig ang mga ideya at mungkahing iniharap ng Tsina, lalung-lalo na ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Sinang-ayunan din niyang magtulungan ang Kazakhstan at Tsina sa pagpapasulong ng Belt and Road.
Editor: Liu Kai
Xi Jinping: Azerbaijan, mahalagang katuwang ng Tsina sa pagpapasulong ng Belt and Road
Tsina, tinatanggap ang mga produktong agrikultural mula sa Dominica
Mga pangulo ng Tsina at Nepal, nag-usap sa telepono; kooperasyon kontra pandemiya, palalalimin
Tsina, palalawakin ang kooperasyong pangkalakalan sa Espanya