CMG Komentaryo: Sino ang tunay na “banta” sa rehiyong Asya-Pasipiko?

2022-01-09 14:22:07  CMG
Share with:

Sa oras ng pananabik para sa kapayapaan at katatagan ngayong bagong taon ng  mga mamamayan  ng rehiyong Asya-Pasipiko, magkasunod na idinaos ang virtual meeting ng mga punong ministro ng Hapon at Australia at “2+2” Virtual Conference ng mga Ministrong Panlabas at Ministrong Pandepensa ng Amerika at Hapon.

Sa nasabing dalawang pulong na puno ng mentalidad ng Cold War, nakipagsabwatan ang Amerika sa mga kaalyado nitong gaya ng Hapon at Australia upang ikalat ang kasinunggalingan, ipahiwatig ang dahas, at panghimasukan ang mga suliraning panloob ng iba, bagay na malubhang nakaka-apekto sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.

Ang nalagdaang “Reciprocal Access Agreement” ng Hapon at Australia noong Enero 6 ay nagsasabi ng kung anu-ano tungkol sa mga suliraning panloob ng Tsina.

Bilang kapwa tagasunod ng Amerika, nakikipagsabwatan ang Hapon at Australia upang guluhin ang situwasyon sa South China Sea at Taiwan Straits.

Sa “2+2 Talks” ng Amerika at Hapon noong Enero 7, ipinagdiinan ng kapuwa panig ang kahalagahan ng kanilang relasyong pang-alyansa.

Ipinatalastas din nila ang paglagda sa bagong kasunduang pandepensa upang harapin ang umano’y “banta ng Tsina.”

Sa katunayan, ito ay isa lamag sa  kanilang katuwiran  para mapalakas ang sariling puwersang militar.

Bilang resulta ng Cold War, walang patid na dinaragdagan ng alyansang Hapones-Amerikano ang badyet pang-militar.

Ano ba talaga ang nais nilang nais gawin sa rehiyong Asya-Pasipiko?

Bukod pa riyan, mula sa pagdedeklara ng Amerika, Britanya at Australia ng pagsasagawa ng kooperasyon sa nuclear powered submarine na nakakapagpalaki sa panganib ng pagpapalaganap ng sandatang nuklear at regional arms race; puwersahang pagpapasulong ng Hapon sa pagtatapon ng nuclear waste water ng Fukushima nuclear power station sa dagat na makakapinsala sa kapaligirang ekolohikal sa rehiyon at kalusugan ng mga mamamayan; hanggang sa walang humpay na pagdaraos ng Amerika, Hapon, Australia at iba pang bansa ng ensayong militar, makikitang ang lahat ng  ito ay  matibay na patunay na pinipinsala ng nasabing 3 bansa ang kaapayapaan, katatagan at kaligtasang panrehiyon.

Patunayan din ito na baligho at mapagkunwari ang kanilang pananalitang umano’y “kalayaan, pagbubukas, at inklusibidad.”


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method