Ulat ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika hinggil sa Tsina, puno ng pagkiling

2021-11-05 11:13:06  CMG
Share with:

Ang pinakahuling ulat ng Kagawaran ng Depensa ng Estados Unidos hinggil sa pag-unlad na militar ng Tsina, tulad ng lagi, ay hindi totoo at puno ng pagkiling. Ang Amerika mismo ang pinakamalaking bantang nuklear ng daigdig.

 

Ito ang ipinahayag ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Nobyembre 4, 2021 bilang tugon sa di-umano’y taunang ulat na pinamagatang Pag-unlad na Militar at Panseguridad ng Republika ng Bayan ng Tsina na inilabas ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika, Miyerkules, Nobyembre 3.

 

Ulat ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika hinggil sa Tsina, puno ng pagkiling_fororder_W020211104670683446349

Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina

 

Dagdag pa ni Wang, ayon sa datos mula sa mga pandaigdig na think tanks, ang Estados Unidos mismo ang bansang may pinakamalaki at pinakasulong na arsenal na nuklear, at sa pagpasok ng 2021, nagkakaroon ito ng 5,550 warhead na nuklear. Sa kabila nito, namumuhunan pa rin ang Amerika ng trilyon-triyong dolyares para i-upgrade ang “nuclear triad” nito, idebelop ang mga low-yield na sandatang nuklear, at ibaba ang pamantayan para sa paggamit ng sandatang nuklear. Higit pa rito, tumiwalag ang Amerika sa mga kasunduan hinggil sa arms control na gaya ng Treaty on the Limitation of Anti-Ballistic Missile Systems at Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty. Bukod dito, patuloy na pinasusulong ng Amerika ang pagtatatag ng anti-missile systems sa buong daigdig, ibinalik ang pananaliksik at pagdedebelop at pagsubok ng intermediate-range land-based missiles at tinatangkang ilagay ang mga ito sa Europa at Asya-Pasipiko, at naglunsad ng kooperasyon ng AUKUS hinggil sa submanirong nuklear.

 

Diin ni Wang, buong-tatag na nananangan ang Tsina sa estratehikong nuklear ng pagtatanggol ng sarili, aktibong hinihikayat ang ultimo at kompletong pagbabawal at paglipol ng mga sandatang nuklear, at pinananatili ang pinakamaliit na lebel ng puwersang nuklear para lamang sa pambansang seguridad.

 

Inulit din ng tagapagsalitang Tsino na tumatalima ang Tsina sa polisiyang huwag unang gamitin ang mga sandatang nuklear sa anumang sandali at sa anumang kondisyon. Kasabay nito, walang pasubaling tinutupad din ng Tsina ang pangako na hindi gagamit o magbabantang gumamit ng mga sandatang nuklear laban sa mga bansang walang sandatang nuklear o mga rehiyong libre sa sandatang nuklear.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method