Tropang pamayapa ng CSTO, nasa Nur Sultan

2022-01-09 14:11:26  CMG
Share with:

Ayon sa impormasyong inilabas nitong Sabado, Enero 8 (local time), 2022 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pangulo ng Kazakhstan, dumating na ng Nur Sultan, kabisera ng Kazakhstan ang tropang pamayapa ng CIS Collective Security Treaty Organization para isagawa ang tungkuling pamayapa roon.

Samantala, nagpunta naman ang tropang panseguridad ng nasabing bansa sa Almaty para makipaglaban sa mga terorista.

Kasabay nito, ipinag-utos na ni Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan sa iba’t-ibang departamento na pabutihin ang kanilang tungkulin upang maigarantiya ang katatagan ng situwasyon at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method