FM ng Tsina at Kazakhstan: kooperasyon, palalakasin; pakiki-alam ng mga puwersang dayuhan, magkasamang tututulan

2022-01-10 17:00:32  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Enero 10, 2022, kay Mukhtar Tleuberdi, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kazakhstan, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na bilang pangmatagalang komprehensibong estratehikong kapartner, buong tatag na susuportahan ng Tsina ang Kazakhstan laban sa pananalakay, at karahasan upang mapanumbalik ang katiwasayan at mapangalagaan ang kapayapaan ng bansa

 

Isinalaysay naman ni Tleuberdi ang pinakahuling kalagayan sa kanyang bansa, at aniya, mabisang nakontrol na ang kalagayan sa Kazakhstan at napanumbalik na rin ang kapayapaan.

 

Aniya pa, lubos na igagarantiya ng Kazakhstan ang kaligtasan ng mga organo, tauhan at puhunan ng ibang bansa, at patuloy na isasakatuparan ang obligasyong pandaigdig.

 

Samantala, ipinahayag ni Wang na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Kazakhstan, para palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa larangan ng pamamahalang pambatas at kaligtasan, magkasamang pagtuol sa pakiki-alam ng mga puwersang dayuhan, at paggarantiya ng kaligtasan ng mga mahalagang kooperatibong proyekto ng Tsina at Kazakhstan.

 

Bukod dito, nagkokoordinasyon aniya ang dalawang panig hinggil sa pagpapalitan sa mataas na antas sa susunod na yugto.

 

Sinabi rin niyang malugod na tatanggapin ng Tsina ang paglahok ni Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazahakstan sa 2022 Beijing Winter Olympic at Paralympic Games.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method