Ayon sa sirkular na inilabas nitong Linggo, Enero 9, 2022 sa website ng pangulo ng Kazakhstan, bumalik na sa matatag na kondisyon ang kalagayang panseguridad sa buong bansa, kontrolado na ang situwasyon, at napanumbalik na rin ang takbo ng mga instalasyong pampubliko at sistemang medikal.
Anang sirkular, patuloy na isinasagawa ng mga departamento ng pagpapatupad ng batas at hukbo ang mga hakbangin para mapanumbalik ang kaayusan, isinusulong ang pagsunod ng iba’t ibang lugar sa kaukulang alituntunin ng state of emergency, at inililipat ang mga estratehikong instalasyon sa tropang pamayapa ng Collective Security Treaty Organization.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring hinahanap at inaaresto ng force department ang mga terorista, at isinasagawa ang mga kaukulang pagsusuri para makolekta ang mga ebidensyang kriminal.
Salin: Vera
Pulido: Rhio