Hypersonic missile, muling matagumpay na sinubok-lunsad ng NoKor

2022-01-12 14:01:59  CMG
Share with:

Ayon sa Korean Central News Agency (KCNA), matagumpay na sinubok-lunsad nitong Martes, Enero 11, 2022 ng Hilagang Korea ang isang hypersonic missile.

Sapul nang Setyembre ng nagdaang taon, ito ang ikatlong beses nang subok-lunsad ng Hilagang Korea sa nasabing uri ng misayl.

Anang ulat, pinanood at binigyang-patnubay ni Kim Jong-un, Kataas-taasang lider ng Hilagang Korea, ang nasabing subok-lunsad.

Ipinahayag ni Kim na dapat patuloy na palakasin ang estratehikong puwersang militar sa aspekto ng kalidad at bilang, upang ibayo pang mapabilis ang hakbang ng modernisasyon ng hukbo ng bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method