Linggo, Agosto 1, 2021 – Ipinanawagan ni Kim Yo-jong, Deputy Director ng Publicity and Information Department ng Workers’ Party ng Hilagang Korea (WPK) ang pagkansela ng Timog Korea sa magkasanib na ensayong militar kasama ang Amerika na nakatakdang ganapin ngayong buwan.
Sinabi niyang kung itutuloy ang nasabing ensayong militar, imposibleng maidaos ang pagtatagpo ng mga lider ng Hilaga at Timog Korea.
Aniya pa, ang nasabing aktibidad ay grabeng nakakapinsala sa proseso ng pagpapanumbalik ng tiwala sa pagitan ng Hilaga at Timog Korea.
Binigyang-diin niyang ibayo pa nitong pinadidilim ang prospek ng relasyon ng kapuwa panig.
Salin: Lito
Pulido: Rhio