Lihim na bilangguan ng Amerika sa buong mundo, dapat isarado –Tsina

2022-01-13 16:27:57  CMG
Share with:

Ang Enero 11, 2022 ay ika-20 anibersaryo ng pagtatatag ng Bilangguan ng Guantanamo Bay

 

Kaugnay nito, ipinahayag Enero 12, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Bilangguan ng Guantanamo Bay ay simbolo ng madilim na kabanata ng kasaysayang pandaigdig sa usapin ng karapatang-pantao.

Lihim na bilangguan ng Amerika sa buong mundo, dapat isarado –Tsina_fororder_01wangwenb

Aniya, dapat agarang isara ng Amerika ang nasabing bilangguan at iba pang lihim na bilangguan sa buong daigdig.

 

Sa katotohanan, marami ang lihim na bilangguan na itinatag ng Amerika sa buong mundo, at ang Bilangguan ng Guantanamo Bay ay maliit na dulo lamang ng iceberg, diin ni Wang.

 

Aniya, dapat aktuwal na ipakita ng Amerika ang tunay nitong anyo at agarang itigil ang mga karahasang kinabibilangan ng ilegal na pagdetine at pang-aabuso sa mga bilanggo; humingi ng tawad sa mga biktima; at dalhin sa husgado ang mga tauhang nagmalabis sa tadhana ng batas.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method