CMG Komentaryo: Diplomasiya ng pamumuwersa, pinamimihasaan ng Amerika

2022-01-13 15:44:52  CMG
Share with:

Sa mga bukas na okasyon, maraming beses na pinilipit ng mga opisyal Amerikano ang lehitimong ganti ng Tsina sa Lithuania bilang “coercive diplomacy.”
 

Ito ay isa pang aksyong pulitikal para suportahan ang pamahalaan ng Lithuania, at ipatupad ang tangkang sugpuin ang Tsina sa pamamagitan ng Taiwan.
 

Napakalinaw ng sanhi ng kasalukuyang deadlock ng relasyong Sino-Lithuanian.
 

Sumira ang pamahalaan ng Lithuania sa simulaing Isang Tsina, at malawakan itong tinututulan ng komunidad ng daigdig.
 

Minamarkahan ng Amerika ang lehitimong hakbangin ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya bilang “coercive diplomacy,” at ito ay pag-aakala sa kilos ng iba, batay sa sariling karanasan.
 

Pinamimihasaan ng Amerika ang paggamit ng coercive diplomacy, kung saan ang nukleo ay pagpuwersa sa ibang bansa upang sundin ang sariling kahilingan, sa pamamagitan ng sandatahang pagbabanta, pagbubukod na pulitikal, sangsyong ekonomiko, technical boycott at iba pa.
 

Ito ay naglalayong isakatuparan ang estratehikong target ng bansa, at pangalagaan ang katayuan ng Amerikanong hegemonismo.
 

Sa panahon ng globalisasyon na nananangan sa multilateralismo, mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta, walang puwang ang pagsasagawa ng coercive diplomacy.
 

Batay sa ibat-ibang katotohanan, tiyak na mabibigo ang American coercive diplomacy.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method