Mensaheng pambagong-taon, ipinaabot ng Presidente ng CMG

2022-01-01 16:14:49  CMG
Share with:

Mensaheng pambagong-taon, ipinaabot ng Presidente ng CMG_fororder_部长照片(内文用)

 

Sa unang araw ng taong 2022, ipinaabot ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) ang bating pambagong-taon sa mga tagasubaybay sa iba't-ibang sulok ng daigdig.

 

Narito po ang buong mensahe ni Ginoong Shen Haixiong.

 

Mga mahal kong kaibigan:

 

Dumating na ang taong 2022. Ayon sa Kalendaryong Tsino, ang taong ito ay Taon ng Tigre. Mula sa Beijing, binabati ko kayo ng Manigong Bagong Taon!

 

Sa katatapos na taong 2021, sinalubong ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang ikasandaang anibersaryo ng pagkakatatag nito. Ang CPC ay binubuo ngayon ng mahigit 90 milyong kasapi mula mga 50 katao lamang isang daang taon na ang nakararaan. Pinamumunuan ng CPC ang mga mamamayan upang makamit ang "himalang Tsino."

 

Sa pagpasok ng bagong siglo, sa ilalim ng patnubay ni Pangulong Xi Jinping, komprehensibong naitatag ang may kaginhawang lipunan sa Tsina na may 1.4 bilyong populasyon.

 

Ito ay isang historikal na kalutasan sa problema ng ganap na karalitaan na nagpahirap sa Nasyong Tsino sa loob ng ilang libong taon.

 

Bilang tagapagtala sa dakilang siglo, inihatid ng CMG noong isang taon ang napakaraming de-kalidad na programang tulad ng "Paglikha ng Isang Bagong Tsina," "Pagpawi sa Karalitaan," at "Kaginhawahan ng mga Mamamayan."

 

Ang mga ito ay "video biography" hinggil sa proseso ng pagpupunyagi ng CPC at mga mamamayang Tsino, at naglahad sa komunidad ng daigdig kung paano napanatiling masigla ng CPC ang siglong nakalipas.

 

Isang buwan na ang nakararaan, sa okasyon ng ika-80 anibersaryo ng pagsasahimpapawid ng sambayang Tsino sa ibayong dagat, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ang mensaheng pambati sa CMG kung saan hinikayat niya kaming aktibo at mabuting ilahad ang kuwentong Tsino at mainam na palaganapin ang tinig ng Tsina para maging isang pandaigdig na pangunahing media ang CMG na may malakas na kakayahan sa pamumuno, pagpapalaganap at impluwensiya.

 

Patuloy kaming magsisikap para sa hangaring ito!

 

May isang matandang kasabihang Tsino na "ang mahihirap na karanasan ay nakakatulong sa pagtatagumpay."

 

Dahil sa magkakasamang epekto ng pagbabago ng daigdig nitong isandaang taong nakalipas at pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), hindi natahimik ang kasalukuyang daigdig.

 

Ngunit hindi rin ito magiging hadlang sa ating paghahanap ng kapayapaan, kaunlaran, at kaligayahan.

 

Ang mga programang gawa ng CMG na gaya ng "Tsina sa mga Istorya," "Tsina sa mga Naunang Aklat," at "Pagtitipon ng Pangalan ng mga Lugar ng Tsina," ay nagtala ng malalim na kasaysayan, at maligaya at totoong pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

 

Ang mga programa namang tulad ng "Pambansang Parke" at "Olimpiyada sa Sining" ay naglarawan ng kawili-wiling tanawin ng "magandang Tsina” at “malusog na Tsina” sa bagong siglo; samantalang ang “Leksyon sa Kalawakan” na live na isinahimpapawid ng China Space Station sa buong mundo, ay nakapagpasindi ng apoy ng pangarap ng di mabilang kabataan upang tuklasin ang misteryo ng sansinukob.

 

Sa panahon ng migrasyon ng 16 na elepante ng lalawigang Yunnan, mahigit 7 libong oras na nag-live-streaming ang China Global Television Network (CGTN), CMG mobile, at CCTV NEWS tungkol sa kaganapang ito, bagay na nagbunsod ng mainit na pagtangkilik ng mga tagasubaybay ng mga elepante sa iba’t-ibang sulok ng daigdig.

 

Gawing batayan ang katotohanan, ito ang pundamental na norma ng mga personaheng pang-media sa buong daigdig.

 

Noong isang taon, iginiit namin ang pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay at katarungan sa pamamagitan ng katotohanan.

 

Sa harap ng umano'y "COVID-19 Safety Ranking," ini-organisa namin ang 3 beses na poll sa mga netizen sa buong mundo upang ilahad ang katotohanan at mapakilala ang tama at mali.

 

Ito ay nakakuha ng positibong reaksyon mukla sa mahigit 100 milyong overseas netizen.

 

Sa pagbabalita ng situwasyon sa Afghanistan, naibunyag ng CMG exclusive video program ang pagmamalabis ng ilang bansa sa paggamit ng dahas na bumabale-wala sa buhay ng mga tao, na naging mahalagang pinagmulan ng impormasyon para sa mga media ng buong daigdig.

 

Patuloy naming igigiit ang mga simulain ng isang responsableng media at magsisikap upang hanapin at ibunyag ang katotohanan!

 

Umaasa kaming magkakasanib na mamahalin ng mga kasamahang kanluranin ang imahe ng media.

 

Dapat halinhan ng katotohanan ang pribadong kapakanang pulitikal, diskriminasyong panlahi, at pagkiling sa ideolohiya upang magkakasamang mapasulong ang pagtatatag ng obdiyektibo, makatarungan, positibo, at malusog na ekolohiya ng pandaigdigang opinyong publiko.

 

Walang anumang bagay, kahit na ang bundok at dagat, na maaaring maghiwalay sa mga taong may komong hangarin at paniniwala.

 

Noong isang taon, patuloy na lumawak ang "sirkulo ng kaibigan" ng CMG.

 

Mahigit 600 liham ang ipinadala namin sa mga dayuhang kasamahan at kaibigan, at isinagawa ang mahigit 20 beses na face to face at "Cloud" na pagkikita.

 

Magkakasama naming naitatag ang inklusibo, pantay, at mapagkakatiwalaang mekanismong pangkooperasyon ng media.

 

Sa pamamagitan ng mga matapat at mainit na pagpapalitan pang-media, naitatayo ang mga mapagkakatiwalaang tulay.

 

Salamat sa inyong tiwala!

 

Sa kasalukuyang siglong posible ang lahat, isinusulong namin ang pagbabago at reporma sa media sa ilalim ng diwang "kahit ang elepante ay kailangang matutong sumayaw."

 

Sa Tokyo Olympic Games, matagumpay na natupad ng CMG sa kauna-unahang pagkakataon sa buong daigdig, ang live streaming sa mga palaro sa pamamagitan ng 4K Ultra HD Olympic Channel na nagtataglay ng mahigit 400 milyong tagasubaybay nitong 3 buwang nakalipas, sapul nang isaoperasyon ito.

 

Sa okasyon ng Bagong Taon ng Tigre ng Tsina, muling pagliliyabin sa Beijing ang Apoy ng Olimpiyada, at sa suporta ng teknolohiya ng "5G+4K/8K+AI," nabuksan ng CMG ang live streaming carriage sa high-speed train mula Beijing tungo sa Zhangjiakou.

 

Ito ang unang pagkakataon sa daigdig na naresolba ang kahirapang panteknolohiya sa pagsasahimpapawid ng Ultra-HD video sa high-speed train. Inaanyayahan ko ang lahat ng kaibigan mula sa iba't-ibang bansa na gumamit ng teknolohiyang ito upang magkakasamang maipakita sa daigdig ang isang makulay at kamangha-manghang Beijing Winter Olympic at Paralympic Games.

 

Sa taong 2022, idaraos ng CPC ang Ika-20 Pambansang Kongreso kung saan ilalarawan ang blueprint para sa kinabukasan ng Tsina.

 

Sa diwa ng buong taimtim at paghahanap ng perpeksyon, isasagawa namin ang mas maraming kawili-wiling programa para ipakita sa komunidad ng daigdig ang napakalaking kasiglahan ng Tsina sa bagong siglo sa iba't-ibang anggulo, at ibibigay namin ang ambag sa pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

 

Muli, Manigong Bagong Taon sa inyo!

 

Editor: Lito
Pulido at pagbasa: Rhio Zablan

Please select the login method