Kabuhayang pandaigdig, lalago ng 4% sa 2022 at 3.5% sa 2023—ulat ng UN

2022-01-14 16:25:09  CMG
Share with:

Inilabas kahapon, Enero 13, 2022 ng United Nations (UN) ang World Economic Situation and Prospects (WESP) 2022.
 

Tinaya ng ulat na tataas ng 4% ang paglago ng kabuhayang pandaigdig sa taong 2022, at 3.5% naman sa 2023.
 

Anang ulat, dahil sa epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), tuluy-tuloy na kakulangan sa labor force, putol ng supply chain, tumataas na presyur ng implasyon at iba pang elemento, nahaharap sa napakalaking hadlang ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
 

Ayon sa pagtaya ng ulat, sa darating na 2 taon, maging sa loob ng mas mahabang panahon, bababa ang lebel ng hanap-buhay, kumpara sa kalagayan bago sumiklab ang pandemiya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method