Pinakamalaking imbakan ng bakuna sa Aprika, itatayo ng Tsina at Ehipto

2022-01-20 16:42:57  CMG
Share with:

Idinaos Enero 18, 2022, ang video meeting at on-site na seremonya ng paglagda ng kasunduan sa pagitan ng Sinovac, biopharmaceutical na kompanyang Tsino, at Holding Company for Biological Products and Vaccines (VACSERA) ng Ehipto, hinggil sa pagtatayo ng imbakan ng bakuna.

Pinakamalaking imbakan ng bakuna sa Aprika, itatayo ng Tsina at Ehipto_fororder_01bakuna

Ayon sa kasunduan, pinaplano ng Sinovac na itayo ang ganap na awtomatikong cooling facility kung saan maaaring ilagak ang 150 milyong dosis na bakuna.

 

Ito ay magiging pinakamalaking imbakan ng bakuna sa Ehipto at buong Aprika.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method