Ayon sa pahayag ng Embahada ng Tsina sa Ehipto kahapon, Nobyembre 1, 2021, tinanggap ng pamahalaan ng Ehipto ang bagong pangkat ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ibinigay ng pamahalaang Tsino.
Batay pa sa pahayag ng Ministri ng Kalusugan ng Ehipto, ang nasabing pangkat ng bakuna, ay donasyon ng Tsina sa ilalim ng balangkas ng kooperasyong Sino-Ehipto laban sa pandemiya.
Salin: Vera
Pulido: Mac