Sa regular na news briefing ng World Health Organization (WHO) hinggil sa kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) nitong Huwebes, Enero 6, 2021, sinabi ni Bruce Aylward, Senior Advisor ng Direktor Heneral ng WHO na sa pamamagitan ng COVAX, mahigit 180 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng China National Pharmaceutical Group (Sinopharm) at Sinovac Biotech Company Limited ang ipinadala sa 49 na bansa’t rehiyon.
Ito aniya ay katumbas ng halos 20% ng kabuuang bilang ng ibinigay na bakuna ng COVAX.
Ang mga bakuna ng Sinopharm at Sinovax ay nagpapatingkad ng mahalagang papel sa pagpapataas ng imunidad at pagliligtas ng buhay sa buong mundo, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac