Taunang pulong ng WEF, gaganapin sa Davos sa Mayo

2022-01-23 14:35:23  CMG
Share with:

Sa proklamasyong ipinalabas kamakailan ng World Economic Forum (WEF), sinabi nitong sa ilalim ng “Magtulungan Upang Muling Maitayo ang Pagtitiwalaan,” gaganapin sa Davos, Switzerland ang taunang pulong ng WEF mula ika-22 hanggang ika-26 ng darating na Mayo.

Ayon dito, kabilang sa mga pangunahing paksa ng pulong ay pagpapasulong ng pag-ahon pagkatapos ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pagharap sa pagbabago ng klima, pagpapabuti ng kapaligirang panghanap-buhay sa hinaharap, paggamit ng iba’t-ibang teknolohiyang dala ng ika-4 na rebolusyong industriyal, at iba pa.

Ipinahayag pa ng WEF na patuloy itong makikipagsanggunian sa pamahalaan ng Switzerland upang malaman ang situwasyon ng pampublikong kalusugan at maigarantiya ang kalusugan ng mga panauhin at trabahador ng pulong at mga mamamayan ng Davos.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method