MFA: pagpapatibay ng kompiyansa at pagtutulungan, siyang tanging tumpak na landas para mapagtagumpayan ang pandemiya

2022-01-20 16:04:23  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa 2022 World Economic Forum virtual session, inihayag ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na sa kasalukuyan, malayo pa sa katotohanan ang target ng World Health Organization (WHO) na mabakunahan ang 40% ng populasyon ng buong mundo kontra sa COVID-19 sa katapusan ng 2021, at mabakunahan ang 70% ng populasyon ng mundo sa kalagitnaan ng kasalukuyang taon.
 

Muli siyang nanawagan para sa patas na distribusyon ng bakuna.
 

Kaugnay nito, tinukoy Miyerkules, Enero 19, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagkalat ng pandemiya ay nagbunsod ng malubhang banta sa buhay at kalusugan ng sangkatauhan at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
 

Samantala, lumalaki pa rin ang "vaccine divide" sa pagitan ng mga maunlad na bansa at umuunlad na bansa, aniya.
 

Isinalaysay niyang noong isang taon, ipinagkaloob ng Tsina ang mahigit 2 bilyong dosis ng bakuna sa mahigit 120 bansa’t organisasyong pandaigdig, at ang Tsina ay ang bansang nagkaloob ng pinakamaraming bakuna sa ibang bansa.
 

Isa kada dalawang bakunang ginagamit sa buong mundo ay “Gawa sa Tsina,” dagdag niya.
 

Diin ni Zhao, umaasa siyang magpupunyagi ang mga kaukulang bansa, kasama ng mga organisasyong pandaigdig at Tsina, para mapawi ang "vaccine divide," at gawin ang tunay na ambag tungo sa pagpuksa ng sangkatauhan, sa lalong madaling panahon sa COVID-19.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method