Sinalubong nitong Linggo, Enero 23, 2022 ng Olympic village sa Zhangjiakou ang unang pangkat ng mga “residenteng” lalahok sa Winter Olympics at Paralympics.
Magkakasunod na dumating at nag-check-in dito ang mahigit 40 miyembro ng mga unang ipinadalang delegasyon mula sa Australya, Britanya, Kanada, at iba pang bansa.
Ayon sa ulat, pormal na bubuksan ang nasabing village sa Enero 27 at magsasa-operasyon ito ng 53 araw.
Sa panahon ng Beijing Winter Olympics, tinatayang tatanggapin ng Olympic village sa Zhangjiakou ang 2020 atleta at opisyal mula sa 79 na bansa’t rehiyon.
Sa panahon naman ng Beijing Winter Paralympics, tinatayang tatanggapin nito ang 644 na atleta at opisyal mula sa 39 na bansa’t rehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio