Ngayong araw, Oktubre 27, 2021 ay 100 araw na countdown para sa Beijing 2022 Winter Olympics.
Bilang pagsalubong sa okasyong ito, idinaos Martes, Oktubre 26, sa Beijing Sport University ang Seremonya ng Panunumpa ng mga Boluntaryong Estudyante ng mga Pamantasan para sa Beijing 2022 Winter Olympic and Paralympic Games.
Seremonya ng Panunumpa ng mga Boluntaryong Estudyante
Lumahok sa seremonya, online man at offline, ang mga boluntaryong estudyante mula sa 65 pamantasan ng Beijing at mga kinatawan mula sa Zhangjiakou, lunsod ng lalawigang Hebei.
Kapuwa ang Beijing at Zhangjiakou ay host city ng gaganaping Beijing Winter Olympics at Paralympics.
Kasabay ng seremonya ng panunumpa, pinasinayaan din ang Ice Carnival at Kauna-unahang Paligsahang Pangkaibigan ng Ice Hockey ng mga Pamantasan ng Beijing.
Paligsahang pangkaibigan ng ice hockey
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Beijing, ipinalabas ang COVID-19 playbook para sa 2022 Winter Olympics and Paralympics
Presidente ng IOC, may kompiyansa sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics
Beijing Summer at Winter Olympics venues, magkakaroon ng subok na paligsahan
“Together for a Shared Future,” tema ng Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics
Mga pampabuwenas at pampagaan ng kalooban ng mga atleta sa 2020 Tokyo Olympics