Vientiane, kabisera ng Laos – Isinalaysay Enero 25, 2022 ni Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa nasabing bansa, ang progreso ng paghahanda para sa Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games kay Punong Ministro Phankham Viphavanh ng Laos.
Pinasalamatan din ni Jiang ang suporta ng Laos sa naturang Olimpiyada.
Aniya, sa pagkatig ng komunidad ng daigdig, na kinabibilangan ng Laos, tiyak aniyang maidaraos ng Tsina ang simple, ligtas, at kahanga-hangang kapistahang pang-Olimpiyada.
Samantala, ipinahayag ni Phankham Viphavanh na ang Laos at Tsina ay dalawang magkaibigang bansa.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Laos, ipina-abot niya ang hangarin para sa mabuti at matagumpay na pagdaraos ng Beijing 2022 Winter Olympics at masaganang pagpasok ng Pestibal ng Tagsibol para sa mga mamamayang Tsino.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio