Tsina, handang-handang itaguyod ang simple, ligtas at kamangha-manghang Winter Olympics – Xi Jinping

2022-01-26 12:13:50  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), sa Diaoyutai State Guesthouse sa Beijing nitong Martes, Enero 25, 2022, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pagkatapos ng 6 na taon, handang-handa na ang iba’t-ibang gawaing preparatoryo para sa 2022 Winter Olympics, at maalwan itong maidaraos ayon sa nakatakdang iskedyul.
 

Aniya, ipapatupad ng Tsina ang pangakong itatanghal sa buong mundo ang isang simple, ligtas at kamangha-manghang Olimpiyada.

Tsina, handang-handang itaguyod ang simple, ligtas at kamangha-manghang Winter Olympics – Xi Jinping_fororder_20220126XiBach

Diin ni Xi, ito ang kauna-unahang pandaigdigan at komprehensibong pagtitipun-tipong pampalakasan na gaganapin ayon sa nakatakdang iskedyul, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Ito rin aniya ay magpapamalas ng matagumpay na praktika ng bagong Olympic Motto na "Faster, Higher, Stronger - Together."
 

Saad ni Xi, gagawing sentro ang mga atleta, at pabubutihin sa abot ng makakaya ang serbisyo sa lahat ng mga aspekto.
 

May kompiyansa aniya ang Tsina na maigagarantiya ang kalusugan at kaligtasan ng mga kasali at kaukulang tauhan ng Olimpiyada, at mga mamamayang Tsino.
 

Kuwento ni Xi, sa panahon ng pagbi-bid sa 2022 Winter Olympics, iniharap niyang ang pinakamalaking target ng Tsina ay pagpupunyagi upang mahalinang lumahok ang 300 milyong tao sa palakasan ng yelo’t niyebe.
 

Pagkatapos ng walang patid na pagsisikap, matagumpay aniyang naisakatuparan ang nasabing ekspektasyon.
 

Gagawin aniya ng panig Tsino ang mas malaking ambag para sa Olimpiyada at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

Tsina, handang-handang itaguyod ang simple, ligtas at kamangha-manghang Winter Olympics – Xi Jinping_fororder_20220126XiBach2

Inihayag naman ni Bach na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng mga kaukulang departamento at mga mamamayang Tsino, napakahusay at maalwan ang iba’t-ibang preparatoryong gawain ng Beijing Winter Olympics.
 

Nananalig aniya siyang maigagarantiya ng Tsina ang mga mabisang hakbangin upang maging ligtas, maalwan at matagumpay ang pagdaraos ng nasabing Olimpiyada.
 

Ipinagdiinan niyang unibersal na tinututulan ng komunidad ng daigdig ang pagsasapulitika ng palakasan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method