Beijing – Sa ilalim ng temang “Together for a High-tech Winter Olympics,” itinaguyod ng ng China Media Group (CMG), Miyerkules, Enero 26, 2022 ang unang CMG Forum.
Si Thomas Bach, Presidente ng IOC
Sa kanyang mensaheng pambati, sinabi ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), na nitong mga taong nakalipas, palagiang mahalagang katuwang ng IOC ang CMG at dating China Central Television (CCTV).
Aniya, kasunod ng pagsasahimpapawid ng CCTV Olympic Channel ng CMG, pumasok sa bagong yugto ang kooperasyon ng kapuwa panig.
Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG
Samantala, ipinahayag naman ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na binigyang-patnubay ng ipinadalang mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping ang CMG upang lalo pang patingkarin ang papel nito sa pagpapasulong ng Beijing Winter Olympics at kilos-Olimpiyada.
Ipinagdiinan ni Shen na lagi’t laging nagpupunyagi ang CMG para mapalaganap at maipakita ang pang-akit ng kilos-Olimpiyada sa pamamagitan ng inobasyon.
Nananatiling pangunahing tunguhin ng CMG ang inobasyon, at nakahanda itong magsikap kasama ng mga media ng buong daigdig, at IOC upang maipakita ang makulay at kamangha-manghang Beijing Winter Olympics bilang bagong kabanata ng Olimpiyada, saad ni Shen.
Bilang isang mahalagang bunga ng porum, ipinalabas ng CMG at mga pandaigdigang media ang magkakasanib na inisyatiba kung saan hinihikayat ang mga media ng iba’t-ibang bansa na samantalahin ang pagkakataon ng Beijing Winter Olympics para mapasigla ang diwa ng inobasyon, matupad ang tungkulin at misyon, malawakang pagtipun-tipunin ang pagkakasundo, at mapasulong ang komong pag-unlad ng sangkatauhan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio